Pagsasaka

https://news.abs-cbn.com/business/09/03/19/subsidiya-di-pautang-ang-kailangan-ng-mga-magsasaka


Pagsasaka


Madalas kong naririnig na  ang mga tamad raw ay kadalasang nahuhuli at naghihirap,pero,bakit ang ating mga magsasaka ay patuloy na naghihirap kung gayun ay patuloy naman silang nagpapakahirap sa pagtatanim? Ayon nga sa kanta na " Magtanim ay di biro". Hindi lahat ng tao ay kinakaya ang mga ginagawa ng mga magsasaka. Sila'y nagpapakahirap sa pagtatanim ng mga halamang tumutugon sa pangangailangan ng lahat. Sadya ngang mapaglaro ang tadhana dahil kung sino pa yung tunay na masipag at nagpapakahirap, sila pa yung naghihirap samantala yung mga tunay na tamad, sila yung naging maginhawa ang mga buhay kahit walang ginawa.

Ang Pilipinas ay sagana sa mga likas na yaman, ito'y mapa tubig,gubat,mineral at lupa. Ang sektor ng Agrikultura ay ang sektor na inaasahan tumugon  Sa pangangailangan  sa pagkain at hilaw na mga sangkap na kailangan sa produksyon. Ang Sektor ng Agrikultura ay nahahati sa apat na sektor. Ito ay ang paghahalaman o pagsasaka ,paghahayupan, pangingisda at panggugubat. Ang tatalakayin natin sa sanaysay na ito ay ang paghahalaman at pwedeng tawaging sektor ng pagsasaka. Ito ay sumusustento sa pagkain ng malaking populasyon ng bansa.

Ako,bilang apo ng isang magsasaka, humahanga ako, dahil kahit mahirap ang kanilang mga anak,isa na rito ang aking ama. Namulat ako sa kalagayan ng mga magsasaka. Kung nakalubog ang ating mga paa sa marahas na lipunan, lalong-lalo na ang ating mga magsasaka na mas maputik ang nilulubugan at nilalakaran kaya hindi sila mapapantayan ninuman. Ang kanilang mga ginagawa ay mula pa sa kanilang mga pawis, luha, at dugo. Kaya ating dapat bigyang halaga ang lahat ng magsasaka dahil kung wala sila paano na tayo at ekonomiya lalago paba?


Ang kaunting kita ng mga magsasaka dahil naimpambayad na ito sa kanilang mga utang sa mga abusadong kapitalista at mga taong mapamantala. Hindi sila takot manamantala at mang- abuso dahil may kakayahan silang kontrolin ang presyo ng mga produktong agrikultura. Maraming suliranin ang pagsasaka na balakid sa pag angat nga ating ekonomiya. Isa na rito ang pagliit ng lupang pansakahan dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon naging malawak ang lupang paninirahan,komersiyo at industriya. Ang pangalawa ay ang paggamit ng teknolohiya, sumunod ay ang kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kalakaran at sa suporta mula sa ibang sektor.

Ang nakakalungkot ay mas binibigyang paryoridad ang sektor ng industriya kaysa sa sektor ng agrikultura dahil naron sa malaking kinikita ng pamahalaan sa industriya. Merong pagdagsa nga dayuhang kalakal na imbes mas bigyang halaga ang mga produkto na gawa natin mismo,mas pinipili pa nating tangkilikin ang mga produkto ng iba. Hindi rin naman natin mapigilan ang Climate Change na isa sa suliranin sa pagsasaka.

Minsan ang buhay ay hindi masisiguro kung ano talaga ang para sa'yo. Ang buhay ang kapalit ng pagbubungkal ng lupa pero minsan naman ay ang kultura natin mismo. Katulad ng nasa naunang mga talata na isa sa mga suliranin sa pagsasaka ang pagliit ng lupang pansakahan,hindi natin maitanggi na ang land developer ay nagdadala ng panganib sa kabuhayan ng ating ating mga magsasaka. Yan ang problema na kinatatakutan ng mga obrero lalo na ang magsasaka na sa bukid lang umaasa. Maraming mga pagsubok ang dadating sa mga magsasaka ngunit patuloy parin silang lumalaban para sa ikagagaan ng kanilang buhay at ng ekonomiya.

Isa pang nakakalungkot para sa mga magsasaka ay ang sa nilagdaang Rice Tarification Law na tinatanggal ng batas ang restrikyon sa importasyon ng bigas na inaasahang magpapataas ng supply ng bigas at magpapababa namam sa prsyo nito. Sa batas papatawaran na tariff, ito'y buwis para sa mga importasyon na para sa mga angkat na bigas.

Sa kayraming suliranin na tinatamasa ang mga magsasaka,pati ang pagdagsa ng mga tao sa lungsod na karaniwan ngayon sa maraming bansa ay resulta ng mga pagbabagong nagsimula maraming siglo na ang lumipas. Ang pag-iwan sa bukid para magtrabaho sa lungsod ay nagkaroon ng dalawang epekto maaatring nakinabang ang iilan ngunit nalulugi naman ang iba. May ialng gobyerno,kung mayroon man na nagbibigay na praktikal na tulong sa mga naapektuhan. Talagang kailangang-kailangan ng sambayanan ang Kaharian ng Diyos n anagbibigay sa atin ng mas magandang buhay.

Malaki na ang naitulong at naiambag ng ating mga magsasaka mapa komunidad man o sa bansa at sa buong mundo. Dapat na bigyan natin sial ng parangal kapalit ng kanilang pagpapakahirap sa serbisyo. Sana ay ating isapuso ang pagbibigay halaga ay napakalaking bagay upang sila ay maging ganado at hindi mapapagod na mabahagi ng mga produktong agrikultura at higit sa lahat ang buhay.

Kaya ngayong 2020,dapat ay magpasalamat sa kanila at sa Panginoon. Kasi minsan sa buhay ,dahil sa dami ng ating natatanggap ,nakakalimutan na natin magpasalamat . Ito rin ang pagkakataon para humingi ng tawad. Lalong-lalo na sa magsasaka na agad nating hinuhusgahan dahil sa kung paano sila manamit na mabaho,at madumi sa paningin na binalewala natin ang kanilang halaga sa lipunan. Kaya SALAMAT AT MABUHAY!

                - Kate Loraine Jadausan
                - Jerrick Robin Saranillo 

Comments

Popular posts from this blog

Pangingisda